Friday, April 9, 2010
bed rest = boredom
Akalain mo yun...sensitive nako magbuntis ngayon...hindi naman ako ganun katandaan. Kaya nga kahet hindi pako 100% emotionally ready para magbaby ulit, ginawa ko pa din kasi nga ayoko ng complications ng pregnancy sa matandang edad...ganito din pala. Nagleak ang water bag, kelangan daw mag complete bed rest...pag maglalakad, lakad prusisyon...bawal maghagdan...bawal mastress at mapagod...so house arrest ang beauty ko. Leave sa work for 2 months or so...nakakabobo at super nakakabore pero okay lang kasi kasama ko si Zach araw araw...nakakainis lang pag hindi mo siya pwedeng laruin ng mga gusto nya - kasi nga bawal mapagod :( haaay sana mabilis lang lumipas ang panahon para matapos na at mailabas sa tamang buwan si Denise Alwyn - ang pinakahihintay naming baby girl!
Subscribe to:
Comments (Atom)