I know, part 1 pa lang ito...while he's learning to communicate his thoughts madami pang additional lines ang maririnig at gugustuhin kong irecord kahet man lang sa blog hehe. These are some of the few lines I can remember from the past months na nakita ko how he progressed...from phrases to sentences...aba ngayon, marunong na ng some Spanish words kakanood kay Dora! hahaha and learning to speak English.
Some of his funny lines below --
Scene 1:
Ang kalat ng bahay, puro toys sa sahig. His Daddy says: "Zach, iligpit mo na yang mga toys mo na yan. Kung hindi, di mo na yan makikita bukas, itatapon ko na lahat ng nakakalat dyan"
Ang sagot ni Zach: "Ows?"
Walang nagawa ang Daddy at Mommy, natawa lang hahahaha
Actually minsan sa similar situations, ang isasagot pa nyan: "Di nga?"
Kanino ba kasi natutunan yang mga yan eh! hahahaha
Scene 2:
Sabi ng Mommy sa phone: "Wait mo ko ha, uuwi na si Mommy"
Zach said: "Opo"
Kaso may kinailangan pa gawin bago umuwi ng bahay so nadelay ako ng 1 more hour. Ang sabi daw ni Zach sa Daddy nya while waiting in the house:
"Antagal tagal naman ng asawa mo!" hahahaha
Scene 3:
Kausap ni Zach ang Lolo at Mamala sa phone a few days before Christmas. Sabi ng Mamala: "Merry Christmas apo!"
Nagcoach ang Daddy sa isasagot nya: "Sabihin mo Merry Christmas too!"
Ang sinagot ni Zach sa Mamala: "Christmas Tree!" hahahaha
Scene 4:
Time for art...finger painting that time ang theme namin. Pagkatapos ng isang subject (ibon ata yung kinulayan namin gamit ang kamay nya), sabi niya: "Mommy, wash nako hands".
Sabi ng Mommy: "Kuha ka na lang muna ng tissue, punasan mo kasi magkukulay pa tayo ng iba naman"
Nagtatatakbo sa CR to get tissue...habang pinupunasan, narinig ko sabi nya: "Oh my gosh! Ang lagkit!"
Tawa ako ng tawa...kuhang kuha ang tono ng Tita Bea sa Oh my Gosh na yan!